Miyerkules, Agosto 26, 2015

 Cagayan Sports Complex Isa sa sikat at malawak na kaganapan ng Laro tulad ng ang pagtitipon tipon ng mga manlalaro ng SCUAA, CAVRAA, Intramurals o kahit na anong pagtitipon tipon ng ibat ibang lugar sa bansa. Maari din itong puntahan ng mga taong Self-Conscious o ang mga taong mahilig magehersisyo upang gawing libangan ang pagsasayaw ( Zumba ) o ang pagjajogging upang mabawasan ang tinatago nilang taba taba.
 Buntun Bridge Isa sa pinaka-mahaba at pinaka-matagal ng naipatayong tulay sa bansa. Nakikilala ito sa bansa dahil ginagawa itong Shooting Spot ng ibang mga artista. Makikita din dito ang tanyag na kagandahan ng Ilog ng Cagayan.
 Mga iba’t ibang simbahan sa Lungsod ng Tuguegarao.
1. USLT Chapel
Mabini Street, Brgy. Ugac Sur
2. Our Lady of the Chartres Chapel,
SPUP, College Avenue,
Brgy. Ugac Norte
3.
Sto. Nino Parish
Brgy. San Gabriel
4. St. Peter's Metropolitan Cathedral
Rizal Street,
Brgy. Centro
5. St. Rose of Lima Parish
City Road,
Brgy. Annafunan West
6. San Jacinto Chapel
College Avenue,
Brgy. Centro
7. Divine Mercy Parish
National Highway,
Brgy. Leonarda
 St. Hyacinth Church (San Jancinto Church) o ang Ermita de Piedra de San Jacinto (Stone Chapel of San Jacinto) ay isang makasaysayang simbahan na itinatag noong 1604, mas matanda ito ng 100 na taon kaysa sa Sts. Peter and Paul Metropolitan Cathedral. Ang mga sundalong Amerikano noong Digmaang Pilipino- Amerikano ay ginamit ito bilang punong-himpilan noong 1899. 
 Ang Rizal’s Park ay isang atraksiyon dito sa lungsod ng Tuguegarao. Ito ay matatagpuan sa harap ng Tuguegaro East Cetral School.  Ito ay may ilang metrong layo sa Paeso Reale Mall. Ito ay hindi lamang binubuo ng parke kundi mayroon din ito hardin, establisimento at ang pinakasentro nito ay ang rebulto ni Jose Rizal. Ipinatayo ang rebulto hindi lamang upang maalala ang ating bayani, kundi ito ay naging inspirasyon ng bawat isa dahil sa kanyang katapangan.
Cagayan Museum Ito ay sikat na pasyalan na dinadayo ng ibat ibang antas ng paaralan. Dito makikita ang mga fossils at mga makalumang kagamitan na ginagamit ng mga sinaunang tao. Dito rin makikita ang replica ng Callao Cave na matatagpuan sa Penablanca.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento